Baka Sakali

Hamilo-14

Nagsimula ang lahat sa biruan. Doon naman halos nagsisimula ang matamis na pagtitinginan. Mayroong nabubuo, at sa kabilang banda, may naglalayo. Pero ang hindi nila nabanggit ay kung bakit mayroong mga tao na pinipiling pumagitna. Noong una, hindi ko naiintidihan kung bakit may ganung choice. Alam ko lamang ay OO at HINDI.

Noong panahon na biruan lamang ang lahat, masaya ang buhay ko. Kasi, sabi ko sa sarili ko, biruan lang muna. Walang seryosong pag-uusap. Walang hassle. Hanggang doon lang. Pero bakit kaya yung biruan na yun ay nauwi sa totohanan? Dati rati, nagkakausap lamang kami sa pamamagitan ng chat. Palitan ng biruan, kuro-kuro, pala-palagay. Dumating sa puntong nag usap tayo, nagkapalagayan ng loob. The experience was very nice. At the very least, naramdaman ko na isa kang mabuting tao. Masaya, mapapagkatiwalaan, pero maraming dinadala, maraming dinaramdam, maraming iniisip. Despite that, I looked at your outlook in life and nagustuhan ko iyon. Yun bang tipong gusto mo laging masaya, nakangiti, minsan nang-aasar. Masayahin ka at madali kang kausap. Sabi ko nga sayo noon, hindi ka mahirap mahalin. Tama nga ako.

Dumating ka sa buhay ko nang biglaan. Hindi ko inaasahan na magkakaroon ka ng puwang sa puso ko. Bakit? Kasi noong una, medyo hindi ako kumportable sa iyo, lalo na kapag bumabanat ka na ng mga pang-aasar mo. Pero nung una kong narining ang tinig mo, sinabi ko lamang na may kakaibang timbre ito pero ang hindi ko masabi noon ay ang mga katagang “ang boses mo may hatak sa puso.” Noong una, hindi ko pinapansin itong mumunting damdamin na nararamdaman ko. Sabi ko, baka nagkakamali lang ako dahil may iba akong gusto. Sinabi ko pa sa sarili ko na magkaibigan lamang tayo, kagaya na rin ng sinabi mo. Pero bakit ganun? Kung kaibigan lamang ang turing ko sa iyo, bakit may kakaibang lundag ang puso ko sa tuwing kausap kita? Bakit napakadaling lambingin ka kahit na hindi na hindi mo ibinabalik ang panlalambing ko?

Hanggang sa dumating yung araw na napag-usapan natin kung ano tayo sa isa’t isa. Mahalaga kamo ako sa buhay mo nguni’t ayaw mong bumuo ng relasyon na ang magiging pundasyon ay kasinungalingan, sa kadahilanan na hindi ka pa nakaka-alpas sa damdamin mo para sa iyong nakalipas. Naiintindihan ko, kaya hindi na ako nagpumilit. Ayokong mawala ka sakin, gayon ka rin, at ayaw mong magkaroon tayo ng awkwardness kapag nag uusap. Pareho tayo ng iniisip na hayaan muna natin na ganito ang sitwasyon. Kung may uusbong pa, eh di maganda, at kung wala, magkaibigan pa rin tayo. Nakakalito lang kasi, ako na may gustong iba ay piniling isarado ang pintuan doon at buksan ang pintuan mo. Patutuluyin mo kaya ako o hindi? Iyan ang malaking katanungan. Ako mismo ay hindi ko alam ang sagot; ang alam ko lang ay masaya ako kapag kausap kita.

Eto ako ngayon, mag-isa sa aking silid habang patuloy ang pagpatak ng ulan sa labas. Buo ang aking loob pero hindi ko masabi sa iyo na ako’y tuluyan nang nahulog, sa takot na mawala ka. Hindi ka pa handa, nguni’t alam ko sa aking sarili na handa na akong magmahal muli. Hindi ko nga alam kung bakit hinayaan kong mahulog ang sarili ko sa iyo, ikaw na hindi ko alam kung may nararamdaman din ba sa para sa akin. Basta ngayon, bahala na. Nahulog na eh. May magagawa pa ba ako? Wala naman, diba? Tatahimik muna siguro ako. Baka sakaling maramdaman mo rin na kailangan mo rin pala ako sa buhay mo, na kulang ang araw mo kung walang nagpapaalala sayo na kumain, mag timpla ng coffee, at mag-ingat sa pag-uwi. Baka sakaling maisip mo rin na worth it kung hahayaan mo akong makapasok sa puso mo. Baka sakaling maramdaman mo rin ang nararamdaman ko. Baka sakali. Baka. Wala.

Sino Nga Ba?

IMG_0196-59-21

I am but a dreamer, dreaming of things na sana ay mapasaakin. I am but a lover, but sometimes, the people I love fail to reciprocate. Minsan kasi, nakakatakot nang magmahal, lalo na kung walang kasiguruhan na maibabalik sayo ang pagmamahal na ibinibigay mo. Pero ano’t ano pa man, bumabalik pa rin ako sa karera ng pag-ibig. Bakit nga ba hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na there is somebody out there who will love me FOR WHAT I AM?

After the things that I went through for the past couple of months, yung mga sakit na naramdaman ko, yung mga saya na itinawa ko, yung mga lungkot na isinaisantabi ko lang, heto na naman ako, nagsusulat, naguguluhan, nagtatanong kung bakit ganito yung feeling ko ngayon, as if I am being torn asunder. Simple lang naman dapat ang kasagutan pero bakit ganun, lalong nagiging complicated ang mga bagay-bagay? Napapaisip tuloy ako: ako ba ang may problema? Do I complicate things by asking questions I should not? Ang labo, ikot ikot na utak ko. Pati puso ko, nalilito na rin.

Masaya na ako dapat eh kasi nandiyan lang siya sa tabi, hinihilom muna ang sarili nyang battle wounds para maka-move on na rin siya sa mga mapapait na pangyayari sa buhay niya. Gaya ng ginawa niyang pagtulong sa akin nung ako ang nasa ilalim, binibigyan ko rin siya ng pagkakataon na makaahon through the small things that I do, and whatever small wisdom I can dole out. Hanggang sa dumating yung point na kumportable na siya sakin, wala akong dapat sabihin, wala akong dapat tanungin. Dapat ay manahimik lang ako dito sa tabi niya, naghihintay na mapansin niya na, “huy, may nagmamahal sayo, nadito sa tabi mo oh, bakit ka pa lalayo?” Pero he is an enigma. Though he entertains my chats, I don’t dare go deeper than that. Alam ko kasi na naiilang siya sa ganun kaya eto, back off ako ng konti. Yun nga lang, kaka-atras ko, nadapa na naman ako pero ngayon, wala akong katulong tumayo, kaya mag isa ako ngayon na tumayo at unti unti muling tinatahak ang landas papunta sa kaniya. Pero bakit ganun? Habang unti unti kong tinatahak yung daan na iyon, may nakita ako biglang daan na pakanan. At doon ko nakita itong isang taong ito na ikukwento ko ngayon.

Nagsimula ang lahat sa biruan. Ewan ko ba kung ano ang nangyari. Napalapit ako sa kaniya. Naging kumportable. Masaya kasi siyang kausap at walang halong kaartehan. Matalino din siya, may laman ang mga sinasabi, prangka at kung makakausap mo siya, maririnig mo ang kakaibang taginting sa boses nya na nakahuli sa aking pandining. Sabi kasi nila, the eyes are the windows to a person’s soul; dadagdagan ko: the voice is the gateway to a person’s heart. Ang sarap niyang kausap kasi parang ipinaghehele ka ng boses niya. Malambing, malamlam, malaman, parang may promise of a secret. Ang animated din niyang ka-chat, maboka, madaldal, no dull moment, in short, napapatawa at napapangiti niya ako sa mga sinasabi niya. Here comes the hard part. Sa una kasi, biruan lang. Hindi ko naman siya talaga tipo although matikas naman siya at may itsura. Di kasi ganun talaga ang tipo ko. Pero ang nakakaakit sa kaniya ay yung boses niya at disposisyon sa buhay, pati na rin yung lalim niyang mag isip, at yung galing niyang mag ikot ng topic kapag nandun kami sa usapan about US. Nakakatawa na nakakainis kasi, ayun na eh, on the verge na, pero maiiba ang ihip bigla, mapupunta sa kung saan saan. Nagtatanong na ang isipan ko, ano ba talaga? Meron ba o wala? Kung meron, baka maaaring ma-cultivate kasi hindi ko naman isinasarado ang puso ko at kung wala man ay kaibigan pa rin siyang maituturing.

Ang mga tanong na naglalaro sa isipan ko ngayon ay kakaiba. Kabi-kabila ang pagdating ng mga katanungan na kahit ako mismo ay walang kasagutan dahil pareho lamang sila na hindi ko alam ang nasa isip. Alam ko naman na pareho pa silang sugatan ang puso at nagsisimula pa lang na bumangon muli; ako rin naman, pero binibigyan ko ang sarili ko ng chance na, kahit papaano, yung sakit na naramdaman ko noon ay mapalitan ng tamis ng pag ibig. Pareho kong hindi alam ang nasa isip nila. Nakakalito. Bakit ba kasi ganun? Dapat ko bang tanungin ng seryosohan? O ganito lang muna na aandap-andap ang pag-asa, kumikibot sa isip at puso pero parehong walang kasiguruhan? Sa huli nito, ako na naman ang talo eh. Ako na naman ang masasaktan dahil na rin sa mga bagay na hindi naman dapat nangyayari. Sana lang, kahit isa man lang sa kanila ay magbigay ng kahit na kauting pag asa, kaunting sign na may chance. Yun lang naman ang hinihingi ko ngayon, ang tsansa na malaman ko kung saan ako lulugar sa buhay nila. Ang hirap kasi ng ganito, para akong gamu-gamo na naaakit sa liwanag; ang hirap lang nito ay pareho ang liwanag nila sa puso ko. Saan kaya ako susuling nito? Itutuloy ko ba? O huwag na lang kaya kasi baka masaktan na naman ako? Sa ngayon, balik muna ako sa pagmumuni-muni. Baka sakaling yung kasagutan sa mga tanong ko ay nasusulat pala sa kisame ng kuwarto ko at mabasa ko ito habang nakahiga at nakatitig sa itaas, nangangarap na darating din ang panahon na magiging malinaw ang lahat.

Dahan dahan

dumaguete-68

Heto na naman ako, walang kadala-dala. Nagsimula sa mumunting pag uusap, humantong sa pag-aassume na baka mayroon nga. Ngayon, ang mahiwagang katanungan: mayroon nga ba o wala. Sa totoo lang, hindi pa yan maaaring masagot ngayon; masyado pang maaga at sasaglit ang panahon para masabi na totoo nga na mayroong namamagitan. Masyado pang mababaw ang pinagsamahan para masabing may matibay nang pundasyon Masyado pang maaga para umasa.

Minsan lang kasi, ang pusong nasugatan na naghilom na, masaling mo lang ng kaunti, may nararamdaman na. Ngayon, kilig at tamis, pero malay natin, bukas, pait at sakit ulit. Mag-isa ako ngayon, nag-iisip, nagtatanong sa hangin: ano ba ang maibubulong mo sa akin ngayon? Mukhang wala, dahil kahit mismo ihip niya ay walang dalang tunog kundi malamya at malumanay na haplos lamang na wari ba’s nagsasabing “dahan dahan lang.” Tama nga naman, kailangang dahan-dahanin dahil kung pipilitin kong magmadali, baka madulas na naman ako at maiwan sa putikan, kaawaawa, lumuluha, nasasaktan.

Ang dami kong drama. Hindi na lang ako magkasya sa kung anong meron sa atin ngayon at nagtatanong pa ako. Siguro nga ay hindi pa matibay ang pinagsamahan kaya maraming agam-agam, takot at maling pag iisip. Kailangan ko nang tigilan ito. Baka kung saan pa mapunta. Baka mapatanong ako ng mga bagay na hindi ko pa dapat itanong at bigla ka ring mawala. Tama na yung ganito; nakangiti na hindi mapawi-pawi, masayang binabalikan ang alaala ng ating mga usapan at kulitan, yung pagsasabi mo kung nasaan ka na, yung pagsasabi ko kung nasaan na ako. Hanggang doon muna. Huwag munang ilampas. Baka kasi kapag lumampas, mahulog sa bangin at mabagok. Mahirap na, baka hindi na ako muling makabangon.

Paalam Muna, Paalam Na, Paalam

Pangasinan-90

Psst! Ikaw! Oo, ikaw nga! Kumusta ka? Masarap ba ang tulog mo? Nakapag pahinga ka ba nang maayos? Alam kong ayaw na ayaw mong mainit ang paligid mo kaya malamang sa malamang eh hindi ka pa nakakapag nap nang maayos. Sa mga oras na ito, alam kong nagtatrabaho ka pa after your long nap at naghahabol kang matapos mo ang trabahong dapat ay natapos mo na kanina pa kung hindi ka nakatulog nang mahaba-haba. Sa mga oras na ito, malamang ay may nginunguya kang pagkain, o di kaya ay kumakain ng breakfast na niluto ng mama mo, habang abala ang iyong mga daliri sa pagtipa ng mga letra sa keyboard mo. Alam ko rin na sa mga oras na ito, habang ako ay nagkakape at nagyoyosi, nakikipag palitan na ako dapat ng kulitan sa ‘yo at ikaw eh nagrerekamo sa akin na ikaw ay inaantok na at nangangawit na ang mga kamay mo. Tapos bigla akong mapapabalikwas sa upuan ko kasi kung hindi pa ako kikilos, pihadong mahuhuli na naman ako sa trabaho ko. Tatakbo ako papuntang banyo para maligo. Pauloy ka lang sa ginagawa mo habang ako ay nagbibihis. Magpapaalam ako sayo na ako ay aalis na. Bago ko patayin ang PC ko, sasaglit akong tumipa sa chat box ng “O sige, aalis na ako ha _____(insert code natin sa Hugs Kisses). PM kita pag nasa sasakyan na ako.” Hindi ko na hihintayin ang sagot mo, papatayin ko na ang PC at patakbong lalabas ng kwarto ko, tatakbo pababa ng hagdan, at dali daling maglalakad patungong sakayan. Kapag ako ay nakasakay na, bubuksan ko ang aking telepono at titingnan kung sumagot ka na. Minsan, oo, may iniwan kang mensahe at minsan ay wala. Masaya akong makikipag palitan ng chat sayo kung may mensahe ka nga, at kung wala naman, okay lang, alam ko namang busy ka. Pagdating ko sa trabaho at bago ako magsimula sa aking mga gawain, itatype ko sa chatbox na, “Nandito na ko sa work. Rest well. HUS. Smiley.”

Buong araw akong magiging abala sa trabaho ko pero minsan minsan, sinasaglit kong tingnan ang aking telepono sa pag-asang may iniwan kang sagot sa huling sinabi ko. Wala. Oo, malamang natulog ka na. Buong araw akong magpapaka-busy sa trabaho habang masaya kong hinihintay na mag-uwian na. Minsan may lakad ako pagkatapos ng trabaho, pero kadalasan eh umuuwi na lang ako. Pagdating ko sa bahay, dating gawi, bubuksan ko ang PC ko at magbibilang ng mahabang mga sandali na magising ka na at mag message ka na sa akin na gising ka na at magreklamo tungkol sa hindi mo pagtulog nang maayos gawa ng init. Daldalan, kulitan, palitan ng asaran. Ang saya saya ko kasi kausap kita kahit kadalasan, wala naman tayong pinag uusapan.

Dati rati, pag patak ng alas Diyes ng gabi, tatawag ka na sa skype ko, bubuksan ko na web cam ko, gayun din ang gagawin mo. Mag uusap tayo tungkol sa mga bagay bagay, minsan, kahit hindi tayo pareho nagsasalita, ayos lang. May ginagawa ka, habang ako rin ay may mga tinatapos, habang bukas ang webcam at minsan minsan ay magsasalita tayo pareho tapos biglang tatahimik kasi babalik na sa kanya-kanyang gawain. Madalas nating ginagawa ito dati, bago ako umamin sa totoong nararamdaman ko para sa iyo, bago tayo nagkita at nagkasama ng ilang araw sa lugar kung saan ka naroroon.

Hanggang sa dumating na ang araw na magkikita na tayo, sa wakas, in person. May takot akong naramdaman noon kasi, paano kung hindi mo ako magustuhan? Paano kung maubusan tayo ng pag uusapan? Paano kung ayaw mo sakin? Paano? Paano? Ang daming katanungan pero inalis ko yun sa isipan ko. No expectations. Basta ang alam ko, magkikita tayo, yan ang mahalaga. Nung dumating ang oras na nasa terminal na ako ng bus sa bayan ninyo, ang lakas ng kaba ko. Nanginginig ako pababa ng bus, nanginginig habang hinihintay kang dumating. Late ka sa usapan natin na oras. Kasalanan ko rin naman kasi hindi kita naabisuhan na malapit na pala ako at nung finally nasabihan kita, may tinapos ka pa saglit kaya ka nahuli sa takdang oras ng pagkikita natin. Habang kinakabahan akong naghihintay, nakatanggap ako ng mensahe mula sayo na patawid ka na. Mas lalong sumidhi ang kaba ko. Napasindi ako ng sigarilyo. By the way, pang lima ko na iyon simula nang bumaba ako ng bus at tumayo sa hintayan. May napansin akong papalapit sakin, nakababa ang sombrero kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha pero alam kong ikaw na yun. Ramdam na ramdam ko lalo ang kaba pero sabi ko sa sarili ko, bahala na. Ngumiti ako at humarap sayo at nang masilayan ko ang mukha mo in the flesh, ang ngiti mo na gustong gusto ko, ang mapuputi at pantay mong ipin, ang hugis ng mata at mukha mo, sabi ko ulit sa sarili ko, heto na sya, sa wakas, hindi lang sa webcam, at hindi ako nagkamali sa hinala ko na ito na siguro yung taong mamahalin ko at mamahalin din ako ano pa man ang itsura ko, ang ayos ng katawan ko. Nakita ko kasi sa mga mata mo nung una ko itong masilayan, na walang panghuhusga akong nakita doon. Oo nga pala, may sumundo sa atin noon, yung best friend ko na taga bayan ninyo rin. Dinala niya tayo sa isang restaurant at doon tayo masayang kumain kasama siya. Nagkapalitan kayo ng kuro-kuro, nagkakilanlan ng kaunti at napag-alaman ninyong marami kayong common friends and acquaintances. Ang saya ko nun habang pinagmamasdan ko kayong nag uusap. Nung natapos na tayong kumain, inihatid na tayo ng best friend ko kung saan man tayo pupunta, pero teka, bumili muna tayo ng talaba kasi alam mong miss na miss ko nang kumain ng talaba. Fast forward ulit, namili tayo sa 7-11 ng mga gagamitin natin at nung sa wakas ay nakarating na tayo sa ating paroroonan, check in na sa resort tapos pumasok na ng kuwarto at naghanda nang bumaba ulit para simulan na ang pag iihaw ng talaba. Fast forward, satisfied na tayo pareho sa ininom natin na ilang bote ng red horse at ilang talukap ng talaba na naubos natin. Gumagabi na kaya nagpasiya na tayong umakyat para magpahinga. Naglinis na tayo pareho ng katawan at humiga na sa kama. Ang lamig! Hinigit mo ang kumot, hinigit ko rin ito. Nagtalukbong tayo pareho. Tumalikod ka sakin. Niyakap kita mula sa likod mo, ikaw naman ay sumiksik sakin, at finally, nakatulog na tayo gawa ng pagiging tipsy at pagod natin pareho. Kinabukasan, maaga tayong gumising para kumain ng almusal at mag ikot ikot. Naglakad tayo sa dalampasigan, pitik nang pitik ang camera ko na hawak hawak mo. Dami kong pictures na ikaw ang kumuha, pero marami ka rin pictures na ako ang sumipat at kumuha. Hindi natin namalayan ang oras kasi ang dami nating pinag-usapan. Halo-halo, batuhan nang batuhan ng komento tungkol sa mga bagay bagay, nagpapakiramdaman sa isa’t isa. Nag-iisip ako ng sasabihin ko sayo hanggang dumating yung punto na hindi ko na mapigilan, “Ano ba talaga tayo?” Sabi mo, magkaibigan lang tayo, kasi ayaw mo ng relasyon na malayo sa isa’t isa, na alam mo na wagas ang ipinapakita ko sa iyo pero hindi mo sigurado kung kaya mong tapatan yung sinseridad na yun.

Sa isang banda, inaasahan ko nang isasagot mo yun, pero ang puso ko ay ayaw magpaawat, patuloy na umasa, dahil nga mahal kita. Hindi ko na kayang pigilan, lumakad ako pabalik sa pampang at doon, hinayaan kong umagos ang luha ko na kinimkim ko habang kaharap kita. Hindi ko namalayan na nasa tabi na pala kita, pinagmamasdan ako habang lumuluha at humahagulgol sa sakit. Lumapit ka pero sumenyas akong “diyan ka lang” kasi hindi ko kayang malapit ka habang damang dama ko yung sakit ng bawa’t kataga na binitawan mo. Nung kumalma na ako, tsaka ka tuluyang lumapit at tinanong mo sakin kung ayos lang ba ako. Ang insensitive na tanong nun pero nilunok ko ang komento kong iyon, kasi ayaw ko nang madagdagan pa ang sama ng loob ko. Bumalik na tayo sa resort at kumain ng dinner at pag akyat ng kuwarto para magpahinga na, humiga ako at humiga ka na rin sa tabi ko. Hindi ka tumanggi nung muli kitang niyakap mula sa likuran, bagkus, sumiksik ka pa. Napakasakit ng tagpong iyon, yakap ko ang taong mahal ko nguni’t hindi ako maaaring mahalin dahil mas pinili niyang maging kaibigan. Kinabukasan, dala ko pa rin ang bigat ng kalooban, nagsimula na tayong magligpit ng mga gamit nating nakakalat dahil ako ay kailangan nang umuwi. Niyakap kita at sinuklian mo ito. Ang higpit ng yakap mo, at mas lalo kong ikinagulat ay hinalikan mo ako sa noo. Nagkasya na ako doon, kahit hindi ko naramdaman ang halik mula sa mga labi mo. Umuwi akong ang bigat bigat ng puso at paa. Pero sinabi ko, kaya ko ito, kasi at least, hindi siya tuluyang mawawala.

Nitong mga ilang araw na nakalipas, may naramdaman akong kakaiba. Nakaramdam na naman ako muli ng kaba, na parang may nagbago sa pakikitungo mo sa akin. Dati rati, kahit na “magkaibigan” na lang ang turingan natin, yung sweetness nandun pa rin. Pero itong mga nagdaang araw, ramdam kong unti unting nawawala. At heto na nga, dumating na ang kinatatakutan kong araw. Tahimik ang buhay ko ng araw na iyon, halos kakagising ko rin lang nang makatanggap ako ng isang mensahe, hindi, dalawang mensahe mula sa iyo. Ang saya ko nung nag flash yung pangalan mo sa telepono ko. Agad kong binuksan yung mensahe mo. Yung isa, nangangamusta at nagsosorry ka kasi di mo nagawa yung inaasahan kong gagawin mo. Nang yung pangalawang mensahe na ang binabasa ko, nanlamig buong katawan ko, namanhid na hindi ko mawari pero naglakas loob pa rin ako na tanungin sayo. Nakalagay kasi sa pangalawang mensahe mo na nasa simbahan ka na, at may mga katagang ikinatigalgal ko: mahal at I love you. Sa isip ko, alam kong tama ang hinala ko pero ang puso kong makulit, pilit na sinasabing, “hindi, para sa iyo yan, sa wakas, napagtanto na rin niyang mahal ka nga niya.” Ilang saglit din akong nag hintay sa sagot mo at nang muling tumunog ang aking telepono, hindi ko alam kung bubuksan ko ang mensahe o hindi. Alam kong sa iyo nanggaling ang text na iyon. At tama nga ang hinala ko, meron ka nang iba. Nagsosorry ka pa at sa akin mo nasend yung mensaheng dapat ay sa taong mahal mo, hindi sa taong sinabihan mo na hanggang pagiging magkaibigan lang ang kaya mong ibigay. Ang sakit sakit. Sa sobrang sakit ng hugot sa emosyon ko, naramdaman kong hinihigit nito ang puso ko, hindi ako makahinga, at patuloy akong humahagulgol, walang patumanggang dumadaloy ang luha sa aking mga mata. Matapos ang eksenang yun, tulala ako buong araw, namamanhid ang buong katawan, kikibo at dili, paminsan minsang biglang aagos ang luha muli.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko mula dun sa sinabi mong akala mo ba ay malinaw sa akin ang lahat. Oo, malinaw naman, pero ang pinakita mo kasi na mga kilos at galaw ay taliwas sa mga tinuran mo. Kapag ako ay lumalayo, nagpaparamdam ka bigla. Kapag ako ay lumalapit, bigla kang umiiwas. Litong lito ako, sobrang litong lito. Binalak ko nang umiwas mula sa iyo pero hindi ko magawa, kasi nga nagmamahal ako. Kahit nasasaktan sa mga nangyayari, patuloy pa rin ako sa dating turing ko sayo. Pero itong huling pangyayari na ito ang pinaka masakit na ginawa mo sa akin by far, kahit alam kong hindi sadya na malaman kong meron ka nang mahal at hindi ako yun.

Ngayong nandito na tayo sa estadong ito, ano na? Iwasan na? Siguro nga, yun lang ang dapat na mangyari. Civil na lang sa isa’t isa kasi hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko: galit, hinanakit, pagmamakaawa o pagmamahal. Sa panahong ganito, baka kapag binanggit mo pa lang ang pangalan ko, dagli akong tumakbo palapit sayo, kahit na alam kong hindi mo masusuklian ang iniaalay ko. Ang sakit pero paalam muna sa iyo. Siguro, kapag OK na ako, kapag kaya ko nang humarap sa iyo at makipag usap, ako na mismo ang gagawa ng paraan. Pero sa ngayon, hahanapin ko muna ang sarili ko, iiyak muna ako at pamamagain ang mata ko, hanggang sa bandang huli ay wala nang dadaloy pang luha sa pisngi ko kapag nakakarinig ako ng mga kantang magpapaalala sa akin ng masasaya nating mga araw. Tanggap ko naman nang hindi mo ako kayang mahalin dahil may mahal kang iba pero ang unti unting kumakain sa akin ay yung mga alaala, yung mga what might have beens natin, yung mga saya na pinagsaluhan natin. Paano nga ba mag move on mula dito? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano ko gagawan ng paraan kaya pagpasensyahan mo na ako at ito lang ang mga katagang masasabi ko: Paalam muna, paalam na, paalam..

Feeling Alone Again

Kota Kinabalu-230

It’s been a long time since I wrote about the things that has been going on around me. It was even a longer time since I wrote about my emotions: happiness, sadness, elation, jealousy, anger.. a whole gamut of emotions, churning inside my chest, trying to break free but I won’t let it because of fear that I might not be able to handle the backlash that may follow. It has also been a long time since I asked myself, “what song shall I play today that will reflect my state of mind and heart?” In short, it’s been a long time since I have reflected on Me. My life has been a hodge-podge of events; events that were, at times, too hard to track, too hard to even reflect on. You may say that my present situation is one helluva roller coaster ride, continuously twisting, turning, plunging head on towards the unknown. It has become both predictable and unpredictable in the sense that I am aware that I am going too fast, but also unaware of what will happen next. My life has been quite stable before this happened, before YOU happened.

For almost 5 years, my life had been a series of heartaches, heartbreaks, disappointments. And after I was able to pull through all of the things that only served to bring me down, you opened the door. I was happy, I am happy because, finally, after a very long time, I have someone who accepts my quirks, my shortcomings and my idiosyncracies. I was happy to say then that I have found that someone who was looking for someone like me, somebody who is incomplete but willing to be completed.

It was good. We enjoyed each other’s company, had good laughs, and generally enjoyed being with each other. For the first year, I thought that I was satisfied with this kind of set up: you going to and from the province, me being here in manila, comfortable with my old routine but also welcoming the fact that I don’t get suffocated with the relationship.

However, something changed and I began to yearn for intimacy, the intimacy that people in a relationship share with each other, both physically and emotionally. At first, I pegged it as being comfortable with companionship but as time flew, I began questioning myself if I am really OK with not having intimate times at all. For the past 3 years in this relationship, I may have been fooling myself that all is good, all will be better, but the fact remains that deep inside, I am in need of something more than borrowed time, furtive texts and casual talk. I know that there is no reason to think about the possibility that there may be a third party involved; it’s so not your cup of tea but I was really at a loss as to why, 3 years into this relationship, we barely touched skins and shared just a few hurried smacks, nothing more.

Nevertheless, I tried to put a smile on my face and charge it to you having lots of priorities, with me being only third best. No biggie, but my heart cannot lie anymore. Even a patient heart gets tired and when it does, all it will want is to break free from the quagmire of sadness that envelopes it. But, how do I go about this? Am I willing to let go of something that has been a part of my life for the past couple of years? Or am I willing to let go and be brave enough to start with a fresh perspective, a paradigm shift or a new love? Such is my dilemma. How I wish that my heart would just assume a catatonic state so that I won’t have to feel anymore..